Monday, November 15, 2010

Till Death Do Us Fart



Maporma? Mayaman? Malakas ang dating? Down to earth? Matalino? Malakas ang sense of humor? Yan ba ang ilan sa mga katangian ng partner mo ngayon at yan din ang ilan sa iyong mga dahilan kung bakit mo sya napili?


Isa, dalawa, tatlong buwan mula nang sinagot mo sya matapos ka nyang ligawan ng mahaba habang panahon, ang lahat ng magagandang ugali ay napapalitan na ng totoo nyang pagkatao (pagkakataon na nyang gumanti sa yo ngayon!).. eka nga, mas nakikila nyo na ang tunay na ugali ng isa't isa.


Habang tumatagal, mas lumalalim ang inyong pagsasama at mas humahaba ang oras nyo sa kama nyong magkasama e mas nakikilala mo na ang partner mo.


Kung ako ang tatanungin, ang extreme test ng ikakatagal ng isang relationship, bukod sa inyong compatibility at capacity ng iyong partner sa sex, e hindi ang distance at hindi din ang time lang kundi ang haba ng iyong pasensya at tibay ng pagkatao para malagpasan ang kabalahuraan ng partner mo.

Noong bf/gf pa lang kayo, sooo cheesy pa sayo yung maghiraman kayo ng damit pambahay, tsinelas, magsalo sa iisang plato, maghiraman ng personal things at pati na rin ang maghiraman ng deodorant at toothbrush (costcutting!) at sa pagtagal tagal pa, naatim mo na rin ang magtootbrush o makipagkwentuhan sa kanya habang jumejebs sya, o kaya ay mangulangot sa harap nya habang sarap na sarap syang nagkukwento o ganadong kumakain. O di ba? so morbid??

Harder test ng relationship nyo, ang walang pandidiri mong paglalaba ng underwear nya na may kasamang bulbuhok o skid marks/blood stains (di ko kakayanin to! Itatapon ko talaga yun sa basurahan pramis! Nyahahaha!)

Pero sa tingin ko ang isa sa ultimate tests mo to withstand ang pagkabalahura ng iyong partner, which would eventually determine ang ikakatagal ng inyong pagsasama, ay ang tanggapin ang talent nyang magsabog ng utot “in your face” at your most unexpected situations!


Kung noong unang beses na narinig mong umutot sya e naconsider mo yun na cute at nakakatawa (kasi feeling comfortable na sya sa yo di ba?) pero sa pagdaan ng maraming taon ng inyong pagsasama kaya mo pa rin kayang yakapin ang pilosopiya nya sa pag-utot na “strike anywhere”?? kaya mo kayang sikmurain ang pagsabog ng kanyang bomba at namnamin ang nakakasulasok na amoy nito sa gitna ng paghaharutan ninyo sa ilalim ng iisang kumot? Kaya mo bang matagalan ang trip nyang panghuhuli ng sariling utot para isabog sa mukha mo habang wala kang kalaban laban? (langhap sarap??!)


See? Ang relationship ay hindi laging isang fairy tale lang! maraming kalokohan, maraming harutan at maraming ups and downs. Hindi laging factor sa pagpili ng asawa ang good genes ng partner mo… minsan kelangan mo din iconsider at lunukin ng buong buo ang pagkabalahura niya!


tip? amuyin ang utot ng partner mo as early as possible.. pakiramdaman ang sarili kung matatagalan mo ang amoy for the rest of your life!


Oo, tulad sa isang magandang jamming, ang utot ay nakakasira din ng isang magandang relasyon! Ang tanong lang naman kasi e tatagal ka ba??


BLLAAAKKKKKK!!


Oooppsss… Excuse me po! 

Friday, March 5, 2010

DEFINING BABOY





no nga ba talaga ang definition ng salitang baboy sa filipino?

pwede itong pampisikal, mataba, malusog, kulay pink, cute (hahahahha)

o pang personality check meaning: BABOY; synonym sa salitang wala ka ng ikasasama pa na hinaluan ng kadugyutan... in english NASTY, EVIL, LOW CLASS, CHEAP! and everything negative that goes with it...

so what makes one person baboy?

dahil ba ito sa kaanyuan nya? or more on sa ginawa nya that goes with her character?

i think its more on the latter part...

i speak in behalf of all ladies na nde size 4... i speak in behalf of all na medium sizes na babae...WAG PO KAYONG PAPATALO PAG SINABI NILANG KAYO AY MATABA

take note... REAL WOMEN HAVE CURVES...SEXY DOESNT EQUAL TO SKINNY...

dumarating kasi ako sa point na gusto ko na talagang magsisigaw pag may nagsasabing "TOL SEXI UN PAYAT EH" ... STOOPID.. NAPAKA LAME.. nAPAKA BOBO... NAPAKA SHALLOW...

sa tingin ko epekto ito ng too much TV... maraming nabrebrainwashed ang media, ultimo pagpapauti kinamkam nila...

ISA PO AKONG PINAY...AT ITO PO ANG FEATURES KO.. 5'2, katamtamang sukat at morena... NDE AKO PAYAT AT MAPUTI... in short kung absent ka nung tinuro nung grade 3 ang philippine history, tumingin ka na lang sa paligid mo at makikita mo kung nasang lugar ka.. sabi nga sa BATIBOT, IMULAT ANG MATA PAGGISING SA UMAGA ANSAYA, ANG GANDA... INENG NASA PILIPINAS KA, kung gusto mong maghanap ng maputi at payat MAG MIGRATE KA SA KOREA!

Ngaun kung sa tingin mo lahat ng size 6 pataas, eh baboy... goodluck sayo, dahil nasa bansa ka ng mga baboy... eto lang naman ang mga listahan ng mga lugar sa pilipinas na full figured... ilocanas, ifugao, ibaloys, cebuanas, bicolanas at marami pang iba... naka naman nde ka taga rito, kasi masyado kang bulag sa realidad, ang bansa mo ay nasasakupan ng full figured na babae... NAMAN KASI YOU TALK ABOUT BABOY ON SIZES BASED LANG... PINAPAKITA MONG MASYADO NA NAPAKA BABAW MO TALAGA... sinong tumatawa ngayon? ikaw ba? o ang samabayanang tinatawag mo MATABA AT BABOY? tsk tsk tsk... panay kasi TV INAASIKASO MO EH, PANAY MAGAZINE, PANAY PAMPAARTE... GRUMADuATE KA NA LANG MUNA NG COLLEGE PARA NAMAN NDE KITA MASYADONG TAWANAN SA KABOBOHAN MO OK? and dont ever start with me with regards education...

KUNG IMEASURE KO RIN KAYA ANG UTAK MO SA KAPAYATAN MO... GOODLUCK NAMAN DAW TALAGA SAYO DI BA? BAKA WALA KANG UTAK.. BAKA PAG NAGKATAON, UTAK BULALO KA, TIPONG KAILANGANG SIPSIPPIN BAGO LUMABAS...

o ayan... sana naman naintindihan mo ang konseptong sinasabi ko..kasi kung nde.. ewan ko na lang... sa lagay kasi ng ginawa mo eh, mas BABOY KA PA SIGURO KESA SA OBESE. .. ALAM MO KUNG BAKIT? KASI UGALING BABOY KA.... EH DI MAS MASAHOL YUN?

SABAGAY KUNG MABABAW KANG TAO... NDE MO TALAGA MAIINTINDIHAN ANG SINASABI KO