Monday, November 15, 2010

Till Death Do Us Fart



Maporma? Mayaman? Malakas ang dating? Down to earth? Matalino? Malakas ang sense of humor? Yan ba ang ilan sa mga katangian ng partner mo ngayon at yan din ang ilan sa iyong mga dahilan kung bakit mo sya napili?


Isa, dalawa, tatlong buwan mula nang sinagot mo sya matapos ka nyang ligawan ng mahaba habang panahon, ang lahat ng magagandang ugali ay napapalitan na ng totoo nyang pagkatao (pagkakataon na nyang gumanti sa yo ngayon!).. eka nga, mas nakikila nyo na ang tunay na ugali ng isa't isa.


Habang tumatagal, mas lumalalim ang inyong pagsasama at mas humahaba ang oras nyo sa kama nyong magkasama e mas nakikilala mo na ang partner mo.


Kung ako ang tatanungin, ang extreme test ng ikakatagal ng isang relationship, bukod sa inyong compatibility at capacity ng iyong partner sa sex, e hindi ang distance at hindi din ang time lang kundi ang haba ng iyong pasensya at tibay ng pagkatao para malagpasan ang kabalahuraan ng partner mo.

Noong bf/gf pa lang kayo, sooo cheesy pa sayo yung maghiraman kayo ng damit pambahay, tsinelas, magsalo sa iisang plato, maghiraman ng personal things at pati na rin ang maghiraman ng deodorant at toothbrush (costcutting!) at sa pagtagal tagal pa, naatim mo na rin ang magtootbrush o makipagkwentuhan sa kanya habang jumejebs sya, o kaya ay mangulangot sa harap nya habang sarap na sarap syang nagkukwento o ganadong kumakain. O di ba? so morbid??

Harder test ng relationship nyo, ang walang pandidiri mong paglalaba ng underwear nya na may kasamang bulbuhok o skid marks/blood stains (di ko kakayanin to! Itatapon ko talaga yun sa basurahan pramis! Nyahahaha!)

Pero sa tingin ko ang isa sa ultimate tests mo to withstand ang pagkabalahura ng iyong partner, which would eventually determine ang ikakatagal ng inyong pagsasama, ay ang tanggapin ang talent nyang magsabog ng utot “in your face” at your most unexpected situations!


Kung noong unang beses na narinig mong umutot sya e naconsider mo yun na cute at nakakatawa (kasi feeling comfortable na sya sa yo di ba?) pero sa pagdaan ng maraming taon ng inyong pagsasama kaya mo pa rin kayang yakapin ang pilosopiya nya sa pag-utot na “strike anywhere”?? kaya mo kayang sikmurain ang pagsabog ng kanyang bomba at namnamin ang nakakasulasok na amoy nito sa gitna ng paghaharutan ninyo sa ilalim ng iisang kumot? Kaya mo bang matagalan ang trip nyang panghuhuli ng sariling utot para isabog sa mukha mo habang wala kang kalaban laban? (langhap sarap??!)


See? Ang relationship ay hindi laging isang fairy tale lang! maraming kalokohan, maraming harutan at maraming ups and downs. Hindi laging factor sa pagpili ng asawa ang good genes ng partner mo… minsan kelangan mo din iconsider at lunukin ng buong buo ang pagkabalahura niya!


tip? amuyin ang utot ng partner mo as early as possible.. pakiramdaman ang sarili kung matatagalan mo ang amoy for the rest of your life!


Oo, tulad sa isang magandang jamming, ang utot ay nakakasira din ng isang magandang relasyon! Ang tanong lang naman kasi e tatagal ka ba??


BLLAAAKKKKKK!!


Oooppsss… Excuse me po! 

No comments:

Post a Comment